28.9 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Mga Pinoy sa Thailand pinag-iingat – DFA

- Advertisement -

Pinag-iingat ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Filipinong naninirahan o nagbabalak na bumiyahe sa Thailand.

Ito ay kasunod ng napaulat na serye ng mahihinang pagpapasabog sa Bangkok kasabay ng ginaganap na ASEAN ministerial meeting.

Sa abiso ng DFA, kanilang hinimok ang mga Filipino sa Thailand na manatiling mahinahon pero magpatupad pa rin ng ibayong pag-iingat.

Pinapayuhan din ang mga ito na makipagtulungan sa mga Thai Authorities na kasalukuyang nagpapatupad ng mahigpit na seguridad.

Kaugnay nito tiniyak ng DFA na walang Filipino ang nadamay o nasaktan sa mga napaulat na maliliit na pagsabog sa Bangkok habang patuloy pa din silang naka-monitor sa sitwasyon doon.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -