Saturday, May 4, 2024

Manila Water kaagad na nakipag-usap sa MWSS matapos maglabas ng show cause order

- Advertisement -

Nakapagpaliwanag na ang Manila Water sa MWSS hinggil sa mga reklamong biglang paglobo ng water bill ng kanilang customers.

Ayon kay Ms. Ditie Galang, spokesperson ng Manila Water, agad silang nakipag-usap sa mga opisyal ng MWSS matapos itong maglabas ng show cause order.

Ipinaliwanag ni Galang na sa mahigit isang milyong customers ng Manila Water nasa 7% lamang nito ang mga natanggap nilang reklamo at karamihan dito ay naresolba na sa kasalukuyan.

Inamin ni Galang na mayroong mga kaso ng maling pagbasa ng metro pero wala pa anya itong 1% ng kabuuan nilang customers.

Inaasikaso na ito, iniimbestigahan na at karamihan sa kanila ay nagkaroon ng leak, ngayon kung hindi pa rin nasa-satisfy si customer nag-o-offer tayo na i-check ang kanilang metro in their presence para makita nila na kung merong problema sa kanilang metro. Napakaliit na portion lang, mga 57 customers lang yung kinailangan nating i-adjust ulit yung kanilang billing dahil man factor pa rin yung pagbabasa ng metro,” ani Galang. — panayam mula sa Ratsada Balita.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img