29.7 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Ex-Mandaluyong Mayor Benhur Abalos nakarekober na sa COVID-19

- Advertisement -

Nakarekober na sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) si dating Comelec Chairman Benjamin Abalos.

Sa post online ng anak nito na si dating Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos, sinabi nito na na-discharged na sa ospital ang kanyang ama.

Habang nananatili namang nagpapagaling sa ospital ang ina nito na dinapuan din ng COVID-19.

Pero paliwanag ni Benhur, may COVID-antibodies na ang ina nito at maaari nang tanggalan ng ventilatior simula bukas, 31 ng Hulyo.

Bukod sa magulang ni Benhur, siya rin mismo ay dinapuan ng nakamamatay na virus dahil siya rin aniya ang nagbabantay sa mga ito.

Samantala, nagpaabot ng pasasalamat si Benhur sa mga doktor, nurse at hospital staff na aniya’y nag-alaga sa kanyang mga magulang.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -