Saturday, May 18, 2024

Panukalang death penalty posibleng maipasa sa Senado — Dela Rosa

- Advertisement -

Malaki ang pag-asang pumasa na sa senado ang pagbabalik sa parusang kamatayan.

Ayon kay kay Senador Ronald Dela Rosa, isa sa mga may akda ng panukalang ibalik ang death penalty, mahigit na sa mayorya ng mga senador ang boboto ng pabor sa panukala.

Gayunman, posible pa ring mabitin ito sa senate committee on justice and human rights dahil tutol dito ang chairman ng komite na si Senador Richard Gordon.

Sinabi ni Dela Rosa dalawang isyu ang nakikita nyang magiging madugo sa talakayan una anya ang isyu na anti-poor ang death penalty at ang international treaty na nagbabawal sa pagpapatupad ng parusang kamatayan.

Kung pwede sana within 2020 mapalusot na natin yan pero sabi nga ni Senate President Sotto kahapon, yung mga preview sa Congresses umaabot ng ilang taon yung kanilang bakbakan dyan sa debate sa death penalty na yan, walang kamatayang death penalty,” ani Dela Rosa.

Target ni Dela Rosa na dahan-dahanin ang paglalagay ng mga krimen na kailangang patawan ng parusang kamatayan.

Sa ngayon anya, nakatutok lamang sa drug trafficking ang mga nakalatag na panukalang batas.

We have to break the death penalty to them gently, dahan-dahan muna para matanggap sa ating mga kababayan itong re-imposition ng death penalty dahil kung biglaan natin lahat ng heinous crimes ikarga natin masyadong mabigat talagang maraming mag-o-oppose dyan,” ani Dela Rosa. — panayam mula sa Ratsada Balita.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -