Manila muling nakapagtala ng 2 bagong kaso ng COVID-19 sa lungsod

Manila muling nakapagtala ng 2 bagong kaso ng COVID-19 sa lungsod

by Powered by DWIZ
19 views

Muling nakapag-tala ang lungsod ng Maynila ng dalawang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, nasa tatlomput anim na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa buong lungsod.

Dagdag pa nito ang isandaan at apatnaput apat na persons under investigation (PUI) o mga indibidwal na may nararamdamang sintomas ng COVID-19.

Umaapela naman ang alkalde sa mga manilenio partikular na sa Sampaloc District na sundin ang travel restriction na kanilang ipinapatupad gayung karamihan sa naitalang kaso ay nagmula sa naturang lugar.

Hinihimok rin ni Moreno ang mga tiga-maynila na huwag baliwalain ang virus at iwasan ang pag inom at pagtambay.

0 comment

Related Posts