Paggamit sa mga bakanteng barko bilang hospital para sa COVID-19 patients —Tolentino

Paggamit sa mga bakanteng barko bilang hospital para sa COVID-19 patients —Tolentino

by Powered by DWIZ
18 views

Iminungkahi ni Senator Francis Tolentino ang paggamit sa mga bakanteng barko bilang ospital para sa mga sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) patients.

Ito ay matapos na tumanggi ang ilang pribadong ospital ng mga COVID-19 patients, dahil nakamit na anila ang maximum capacity.

Ayon sa Senador, imbis na nakadaong lang ang mga barko ay mas mainam na magamit ito ng mga health workers bilang ospital at tirahan.

Aniya, ngayong ganap nang batas ang “to heal as one act” ay may kapangyarihan na si Pangulong Duterte na italaga ang mga barko bilang quarantine hospital.

Batay sa sulat ni Tolentino sa Department of Transportation (DOTr), sinabi nito na maaaring magtalaga ng tig-iisang hospital vessel sa manila port, Cebu Port at Davao port.

0 comment

Related Posts