Grupo ng mga abogado magsasampa ng kaso vs. Pimentel sa paglabag sa quarantine protocol

Grupo ng mga abogado magsasampa ng kaso vs. Pimentel sa paglabag sa quarantine protocol

by Powered by DWIZ
30 views

Magsasampa ng kasong criminal at disbarment ang isang grupo ng mga abogado laban kay Senator Koko Pimentel, dahil sa paglabag nito sa quarantine protocol.

Ayon kay Atty. Rico Quincho, hindi dapat nilalabag ng mismong mambabatas ang mga batas o protocol gaya na lamang sa nangyaring insidente sa makati medical center kung saan sinamahan nito ang kanyang buntis na asawa sa kabila ng nararamdamang sintomas nito sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) na kalaunan ay nagpositibo ito.

Iginiit ni quincho na kasasama ang siyam na iba pang abogado ay inaayos na ang kaso laban sa senador.

Bukod rin aniya sa pag labag ng senador sa enhanced community quarantine ay nilabag rin nito ang mandatory reporting of notifiable disease and health events on public health concern.

Samantala, kinumpirma rin ng S&R na nag grocery pa ang senador sakanilang branch sa BGC noong Marso 16 dakong 1:00 p.m. ng hapon.

Sa ngayon, maaaring makulong si Pimentel sa loob ng anim na buwan at pagmultahin ng limamlung libong piso bilang parusa sa paglabag sa batas.

0 comment

Related Posts