Sunday, May 5, 2024

Mangudadatu umaasa na makakamit nila ang hustisya ukol sa Maguindanao Massacre Case

- Advertisement -

“Halos abot kamay na ang hustisya.”

Ganito isalarawan ng pamilya ng mga biktima ng malagim na Maguindanao Massacre Case ang pinaka hihintay na hatol laban sa mga akusado ng karumal-dumal na maramihang pagpaslang sa Maguindanao noong pang 2009.

Ayon kay Cong. Esmael Toto Mangudadatu, umaasa siya na makakamit na rin nila ang ‘tila mailap na hustisya dahil inabot ng sampung taon bago pa maibaba ang hatol laban sa mga akusado sa Maguindanao Massacre Case.

Kumpiyansa si Mangudadatu na “guilty” ang magiging hatol ng korte laban sa mga akusado ng krimen.

Gayunman, tiniyak naman ni Mangudadatu na irerespeto nila ano man ang magiging desisyon ng hukuman at inihahanda na nila ang kanilang mga ligal na hakbang sa hatol ng korte.

Samantala, inamin naman ng kongresista na sariwa pa rin sa kaniyang alala at masakit pa rin ang walang awang pagpaslang sa kaniyang asawa at kapatid.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img