CHR umaasa sa patas at makatarungang desisyon sa Maguindanao Massacre Case

0
15

Tanging patas at makatarungang desisyon lamang ang inaasahan ng Commission on Human Rights (CHR) sa ibabang desisyon ng korte laban sa mga akusado sa Maguindanao Massacre Case.

Ayon kay CHR Spokesperson Atty. Jacqueline De Guia, ilang buhay ang nabuwis dahil sa walang awang pagpaslang kaya’t marapat lamang na makamit na ang pinakaaasam na hustisya matapos ang isang dekada.

Kaugnay nito, umapela rin si De Guia sa mga Pilipino na bigyang pagkikilala ang mga nasawi sa pamamagitan ng patuloy na paglaban sa mga pang-aabuso sa karapatang pantao.