32.7 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

BJMP nakahanda na sa Maguindanao Massacre Case verdict ngayong araw

- Advertisement -

Handa na ang Bureau of Jail Management and Penology para sa pagbababa ng hatol sa mga akusado sa Maguindanao Massacre Case.

Ganap na alas 9:00 ng umaga inaasahang basahan ang sakdal ang higit 100 akusado sa karumal-dumal na krimen na Maguindanao Massacre Case na tinagurian ding ‘trial of the century’ sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Ayon kay BJMP Spokesman Chief Inspector Xavier Solda, magpapatupad sila ng istriktong security protocol sa loob at labas ng korte sa Camp Bagong Diwa, ngayong araw.

Kaugnay nito, sinabi rin ni Phil. National Police Spokesman Brig. Gen. Bernard Banac na handa silang magpadala ng karagdagang tauhan para sa mas pinaigting na seguridad sa promulgasyon.

Gayunman, sinabi naman ni Banac na wala pa silang namomonitor na ano mang banta sa seguridad.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -