Saturday, May 4, 2024

Maguindanao mayor patay sa pananambang sa Maynila

- Advertisement -

Isang alkalde sa Maguindanao ang nasawi sa pamamaril sa Maynila.

Nakilala ang biktima na si Abdulwahab Sabal, alkalde ng bayan ng Talitay, na pinagbabaril ng mga suspek habang pababa ng kaniyang sasakyan sa harap ng isang hotel sa Malate.

Ayon sa Malate Police, alas-11:30 kagabi nang makatanggap sila ng tawag hinggil sa nangyaring pamamaril sa hotel at nang puntahan nila ay nadatnan nila ang duguan at wala nang buhay na si Sabal.

Sinasabing nakatuntong pa ng entrada ng hotel si Sabal kahit may tama na subalit binawian din ito ng buhay.

Iniimbestigahan na ng mga otoridad ang insidente.

Si Sabal ay napasama sa listahan ng “narco-politicians” ng Pangulong Rodrigo Duterte noong siya ay vice mayor pa at naaresto noong September 2016 dahil sa kasong may kaugnayan sa ilegal na droga.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img