nCoV death toll pumalo na sa higit 1,000

0
16

Pumapalo na sa mahigit 1,000 ang bilang ng mga nasasawi sa 2019 novel corona virus acute respiratory disease (2019 nCoV-ARD).

Ayon sa Chinese authorities, nasa 103 ang panibagong bilang ng mga nasawi sa nakalipas na 24-oras kaya’t umakyat na sa 1,011 ang death toll.

Nakapagtala rin ang China ng mahigit 2,000 bagong kaso kaya’t nasa mahigit 42,000 na ang kaso ng 2019 nCoV-ARD sa China pa lamang.

Nakapagtala rin ng maraming dagdag na kaso ng 2019 nCoV-ARD sa Japan matapos mag positibo sa nasabing sakit nang 65 pang sakay nang naka-quarantine na cruise ship.

Dahil dito, nasa 161 ang kaso ng 2019 nCoV-ARD sa Japan.

Samantala, sa Singapore naman, naitala ang 45 kaso ng 2019 nCoV-ARD; 42 naman sa Hong Kong; at dagdag na apat na kaso sa United Kingdom kung saan naitala na ang walong kumpirmadong kaso ng 2019 nCoV-ARD rito.