Friday, May 17, 2024

Magsasaka At Government Employee Kasama Na Sa Bagong Listahan Ng Tinamaan Ng COVID-19 Sa Rinconada Area

- Advertisement -

Iriga City — Sa pinakahuling datus na pinalabas ng DOH-CHD Bicol dalawa na namang bagong kaso ang naitala sa Rinconada area ng Camarines Sur.

Ito’y si Bicol patient # 1621 na isang isang 28 taong gulang na lalaki mula sa Brgy. San Nicolas, Iriga City kung saan may close contact sa Bicol patient # 1539 na isang doctor na nakabase sa lungsod ng Naga.

Ang bagong pasyente ay isang government employee at regular na nagbibiyahe papasok at palabas ng lungsod, subalit pinaniniwalaang nagkaroon ng close contact sa kanyang pamilya, kung kaya ito ngayon ang hinahanap ng incident management team sa kanilang contact tracing.

Samantala, labis na nagtataka ang mga kaibigan at kakilala ng isang magsasaka sa Bayan ng Baao, Camarines Sur matapos na siya ang huling tinamaan ng covid 19 sa nabanggit na bayan.

Ang kanilang pinagtataka kung sino at kung saan nahawa si Bicol patient # 1641 na isang 71 anyos na magsasaka.

Di umano ito pumunta sa kung saan saan liban na lamang sa kanyang palayan.

Sa ngayon nagkakaroon na rin ng contact tracing ang Municipal Health Office upang malamang kun sino at saan nahawa ang nabanggit na biktima, samantalang siya ay ginagamot na sa provincial medical center ng lalawigan. (OIC Melvin Barayoga, RPN DZKI Iriga)

 

(Source: DOH-CHD Bicol)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -