- Advertisement -
Inilibing na lamang ang labi ng 44-taong gulang na Chinese national na nasawi dahil sa 2019 novel coronavirus acute respiratory disease (2019 nCoV-ARD).
Ito ay sakabila ng paalala ng National Health Commission ng China na dapat na agad na i-cremate ang labi ng mga nag positibo sa 2019 nCoV-ARD upang maiwasan ang pagkalat ng virus.
Ayon kay Health Sec. Francsico Duque III, minabuti na lamang ng direktor ng San Lazaro Hospital na gawin na lamang ang burial o paglibing sa labi nito, kahapon, ika-7 ng Pebrero.
Paliwang ni Duque, makailang beses na kasing tinanggihan ng mga crematorium ang pagcremate sa bangkay dahil sa panganib ng virus.a
- Advertisement -