Bakuna vs. nCoV posibleng ilabas sa 2021

0
34

Maaaring sa 2021 pa makagagawa ng bakuna laban sa 2019 novel coronavirus acute respiratory disease (2019 nCoV-ARD).

Ito ang inihayag ni Robin Shattock na siyang namumuno sa mucosal infection and immunity sa Imperial College of London.

Ayon kay Shattock, ang kanilang grupo ay mga siyentipiko na nagmula sa iba’t ibang panig ng mundo na nagtutulungan upang makagawa ng bakuna kontra sa 2019 nCoV-ARD.

Aniya, hindi rin nila nakikitang epektibo ang pagsusuot ng protective mask upang maproteksyunan ang mga tao at health workers laban sa naturang infection.

Samantala, makakabawas lang anila ang pagkalat ng impeksyon sa pag-iwas sa paghawak ng tao sa kanilang mukha.