28.2 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Albayalde nanindigang alegasyon lamang ang mga ibinabato sa kanya kaugnay sa ‘ninja cops’ issue

- Advertisement -

Nanindigan si Philippine National Police (PNP) Chief General Oscar Albayalde na lahat ng impormasyon na lumabas sa isinagawang pagdinig ng senado kaugnay sa isyu ng ‘ninja cops’ ay pawang mga alegasyon lamang at walang sapat na batayan.

Iginiit ni Albayalde na hindi niya kaibigan si dating Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Deputy Director Rudy Lacadin, ito ay kasunod ng naging pahayag ni Lacadin sa Senado na tinawagan siya umano ni Albayalde kaugnay sa imbestigasyon ng CIDG sa pagrerecycle ng droga ng 13 Pulis-Pampanga noong taong 2013.

Paliwanag nito na ang tanging ugnayan lang anila ay noong naging franchisee ni Albayalde sa kanyang negosyong water refilling station si Lacadin noong 2011 na taliwas sa pahayag nito sa Senado. — ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -