Thursday, May 9, 2024

Karamihan sa mga Pinoy sumusunod sa pagsusuot ng face mask, social distancing — SWS Survey

- Advertisement -

Mayorya ng mga Pilipino ang sumusunod sa social distancing at pagsusuot ng face masks sa kasagsagan ng pandemyang coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito ay batay sa isinagawang mobile phone survey ng Social Weather Stations (SWS) simula noong May 4 hanggang May 10 na nilahukan ng mahigit 4,000 respondents na may edad 15 pataas.

Lumalabas dito na 64% ng mga Pilipino ang sumusunod sa social distancing, 19% naman ang nagsasabing sumusunod sa sila sa social distancing sa lahat ng oras.

Habang 9% naman ang nagsasabing paminsan-minsan lang sumusunod sa social distancing at 0.5% naman ang hindi sumusunod dito.

Samantala, lumalabas din sa survey na 77% ng mga Pilipino ang palaging nagsusuot ng face mask tuwing lalabas ng bahay habang 15% naman ang nagsusuot nito sa lahat ng oras.

4% naman ang nagsasabing paminsan-minsan lang sila nagsusuot ng face mask habang 2% ang bihira at 0.3% naman ang hindi talaga nagsusuot.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img