28.6 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Pagpapalawig pa ng emergency powers ni Duterte isinusulong ng isang mambabatas

- Advertisement -

Hinihimok ng isang mambabatas ang kongreso na palawigin pa hanggang Setyembre ang emergency powers ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ilalim ng Bayanihan To Heal As One Act.

Ayon kay Cagayan De Oro Representative Rufus Rodriguez, kabilang sa kapangyarihan ng Pangulo sa ilalim ng naturang batas ang pagbibigay ng tulong sa mga mahihirap na pamilya at pagre-realign sa national budget para mapondohan ang pagtugon ng pamahalaan sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Aniya, ang pagpapalawig sa emergency powers ng Pangulo ay para mabigyan pa ito ng karagdagang panahon upang tugunan ang krisis sa bansa.

Magugunitang kasing matatapos na sa June 25, 2020 ang tatlong buwang bisa ng Bayanihan Law.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -