Friday, May 3, 2024

K-12 dapat lamang pag-aralan kung epektibo — ACT

- Advertisement -

Dapat lamang na pag-aralan kung naging epektibo ang implementasyon ng K-12 program.

Ito ang naging reaksiyon ni ACT Teachers Partylist Rep. France Castro kaugnay ng hakbang ng Kamara na i-review ang pagpapatupad ng nasabing programa.

Aniya, mayroon kasing mga paaralan na hindi kuwalipikado na mag-offer ng Senior High School program dahil sa kakulangan nito ng guro, trained personnels at equipment.

Gayunman, sinabi naman ni Castro na hindi naman tatanggalin o ipahihinto ang implementasyon ng K-12 program kundi aayusin lamang ang aniya’y missing links ng nasabing programa.

Pwede siguro s’yang tanggalin pero binibigyan siya ng alternatibo, hindi naman dapat totally tanggalin, actually kung ma-fulfill lang yung requirement talaga dito sa pag-iimplement dito sa K-12. So, maganda sana tapos ipe-prepare natin yung mga estudyante natin for work, naka-coordinate siya sa CHED, naka-coordinate siya sa business. Yun yung mga missing link, eto yung gap na hindi masolusyunan,” ani Castro.

Kaugnay nito, kumbinsido rin naman si Castro na may pagkukulang ang mga ahensiya ng gobyerno kaya’t hindi naging epektibo ang K-12 program.

Department of Education, ng TESDA, ng CHED at yung business kasi nung pinag-uusapan ito, pati pala DOLE, pinag-uusapan itong K to 12 system na ito kasama yung mga agency na ‘yan pero parang nung implementation na parang kumawala na ang DOLE atsaka itong mga business kaya may missing link na sinasabi natin, na nagkaroon ng mismatch, tingin ko doon yun kasi nung pinag-uusapan niyan kasama yun na paghahanda pero ngayon naiwan na sa ere na ito na dapat nga ay gina-guide ng Department of Education, ng TESDA, at ng CHED,” ani Castro. — sa panayam ng Ratsada Balita.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img