Sunday, May 5, 2024

Isinampang kaso ng DOJ kaunay sa isyu ng dengvaxia handang garapin ni Garin

- Advertisement -

Handa nang harapin ni dating Health Secretary na ngayo’y Iloilo Representative Janette Garin ang kasong isinampa laban sakanya ng Department of Justice (DOJ) kaugnay sa dengvaxia mess.

Ayon kay Garin, handa siyang harapin ito ng walang takot dahil alam niya ang buong katotohanan.

Aniya, hindi pa niya nakukuha ang kopya ng 78-page DOJ resolution kung saan nakasaad na nagkaroon siya ng kapabayaan at iba pang respondents nang ipatupad ang mass immunization program.

Samantala, hindi naman nabanggit ng DOJ ang mga pangalan ng siyam pang kinasuhan ngunit pawang mga opisyal ito ng Food and Drug Administration (FDA), Research Institute for Tropical Medicine (RITM) at Sanofi Pasteur.

Matatandaang, ilang batang naturukan ng dengvaxia ang nasawi noong taong 2015.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img