29.7 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Mga empleyado ng Immigration manatiling professional sa kabila ng isyu sa pastillas scheme sa NAIA — Morente

- Advertisement -

Inatasan ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente ang lahat ng empleyado ng immigration na manatiling propesyonal at tutukan ang kanilang mga trabaho sa kabila ng mga alegasyong ibinabato sakanila kaugnay sa nabunyag na pastillas scheme sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay Morente, subok na sa maraming isyu ang kanilang hanay sa nakalipas na mga taon at napatunayan na nilang hindi matitibag ang kanilang pagsisilbi sa bayan, maging ang kanilang integridad at pagiging propesyonal.

Samantala, bukas naman si Morente sa paglinis sa hanay ng kanyang mga empleyado at nangakong makikipagtulungan sakaling nanaisin na isailalim sa lifestyle check ang mga ito.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -