30 OFW na nasa New Clark City quarantine facility nakalabas na

0
22

Nakalabas na kahapon sa New Clark City quarantine facility sa Tarlac ang 30 Oversease Filipino Workers (OFW) na inilikas mula sa Wuhan City sa China.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, ang 30 Pinoy OFW’s ay hindi nakitaan ng kahit anong sintomas ng coronavirus disease (COVID-19) at nag negatibo rin sa naturang virus bago ipalabas sa quarantine.

Dagdag pa ni Duque, isa sa mga inilikas na OFW ay nanganak sa isang malusog na batang lalaki sa Jose Lingad Memorial Hospital sa Pampanga.

Samantala, inaabisuhan naman ni Health Assistant Secretary for Public Health Ma. Rosario Vergeire ang lahat ng mga napapalabas sa Clark City Quarantine Facility na obserbahan ang kanilang kondisyon at agad na i-report sa DOH o sa local health authorities kapag muling makaramdam ng sintomas ng COVID-19 gaya ng lagnat at ubo.