Wednesday, May 8, 2024

Isang telco inireklamo dahil sa umano’y panloloko sa unli call promo

- Advertisement -

Inireklamo ang Globe Telephone Company sa National Telecommunications Company dahil sa di umano’y panloloko nito sa kanilang unlimited calls promo.

Batay sa reklamo ng negosyanteng si Allan Rivera Inton, tumaas ang kanyang bill sa mahigit 8,000 piso na dapat sana’y walang bayad dahil sa unlimited calls promo.

Ayon sa negosyante, isa itong uri ng panloloko dahil walang benepisyong nakukuha ang mga subscribers sa naturang promo kundi perwisyo lamang.

Bagamat nabayaran na ni Inton ang kanyang bill ay kanya paring inirereklamo ang Globe para maturuan ng ito leksyon.

Samantala, aminado naman ang NTC na marami nang nagrereklamo sa kaparehong dahilan kung kaya’t hinihikayat nila ang publiko atGglobe subscribers na maghain ng written complaints.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img