Hataman: Procurement rules sa paglalabas ng pondo para sa Marawi rehabilitation dapat luwagan

0
28

Humihingi ng tulong si Deputy Speaker at Basilan Representative Mujiv Hataman sa administrasyong Duterte na huwag hayaan mapaso ang apat na bilyong pisong unreleased fund ng Marawi rehabilitation.

Ayon kay Hataman, hindi kasi kaagad nailalabas ang pondo sa paggawa ng mga imprastrakturang nasira sa nangyaring Marawi siege noong taong 2017.

Aniya, dapat na luwagan ang procurement rules sa paglalabas ng pondo upang magamit na ito at hindi na abutin ng expiration.

Iginiit pa ng mambabatas, maituturing na pinagkaitan ng hustisya ang mga biktima ng Marawi siege kung hindi magagamit ang naturang pondo.

Samantala, nais rin ni Hataman maghain ng joint resolution na naglalayong isuspinde ang mahigpit na proseso ng procurement rules sa mga hindi pa napapalabas na pondo.