36.1 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Bilang ng medalyang nasungkit ng Pilipinas sa SEA Games nasa 385 na

- Advertisement -

Iisang event na lamang ang inaantay ng koponan ng bansa upang makamit ang overall championship sa 30th South East Asian Games (SEA Games).

Batay sa huling tala ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Commitee, tinatayang nasa 385 na ang nasungkit ng bansa sa ika sampung araw ng SEA Games.

Sa naturang bilang, 149 rito ay gold medals, 117 ang silver, habang 119 na ang bronze.

Pinakahuling nakasungkit ng isang gold medal at dalawang silver medals ang Philippine kickboxing team noong Lunes.

Samantala, gaganapin ngayong araw ang closing ceremony ng SEA Games sa New Clark Athletics Stadium.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -