Sunday, May 5, 2024

Isa sa mga suspek sa massacre sa Sagay tukoy na

- Advertisement -

Tukoy na ang isa sa mga suspek ng massacre sa Sagay City, Negros Occidental na ikinasawi ng siyam na magtutubo.

Ayon kay Police Regional Office 6 Director C/Supt. John Bulalacao, isa rin sa mga residente ng nasabing barangay ang isa sa kanilang natukoy na suspek.

Dahil dito sinabi ni Bulalacao na mas naging matibay na ang anggulong may kinalaman sa krimen ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA).

Naniniwala naman si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Carlito Galvez na ang nangyaring krimen ay bahagi ng planong destabilization plot ng rebeldeng grupo laban sa administrasyong Duterte.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img