- Advertisement -
Matumal pa rin ang bentahan ng bulaklak sa Dangwa Market, sa Sampaloc, Maynila isang linggo bago ang araw ng mga patay.
Sa pag-iikot ng DWIZ sa Dangwa, P150 ang kada bundle ng rados; aster, P100 kada bundle; Malaysian Mumps, P150 kada dosena; carnation, P150 kada bundle; gerbera, P160 kada bundle;
Orchids, P450 kada bundle; stargazer, P130 kada tangkay at rose, P300 kada bundle.
Inaasahang unti-unting tataas ang presyo ng mga bulaklak habang papalapit ang undas.
(with report from Gilbert Perdez)
- Advertisement -