Monday, May 13, 2024

IRR ng Anti-Terrorism Act inaaral na ng DOJ

- Advertisement -

Umaasa si Justice Sec. Menardo Guevarra na matatapos na ang implementing rules and regulations (IRR) ng Anti-Terrorism Act of 2020 bago matapos ang itinakdang deadline nito sa Oktubre.

Ayon kay Guevarra, masusi na nilang pinag-aaralan ang first draft ng IRR nito kung saan kanila rin itong ipadadala sa Anti-Terrorism Council (ATC).

Sinabi ni Guevarra, kung wala naman masyadong magiging pagbabago sa panig ng ATC ay inaasahan nilang matapos na ang IRR ng anti-terrorism law sa Oktubre.

Sa ilalim ng batas, mayroon lamang 90 araw matapos maging epektibo ang batas ang ATC at DOJ katuwang ang pulisya at militar na balangkasin ang IRR ng nabanggit na batas.

Bagamat Hulyo 18 pa naging ganap na epektibo ang nasabing batas, iginiit naman ng DOJ pati ng DILG at AFP na hindi pa ito maipatutupad hanggat wala ang IRR nito.

Sa ngayon, mayroong 30 petisyon na inihain sa Korte Suprema laban sa Anti-Terror Act na kumukuwestiyon, at pumipigil sa implementasyon nito.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -