Friday, May 3, 2024

Balik byahe ng mga provincial buses pabor sa DILG

- Advertisement -

Pabor ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa pagbabalik operasyon ng mga pamprobinsiyang bus.

Ayon kay DILG Sec. Eduardo Año, pabor sila na payagan ang muling pagbiyahe ng mga provincial bus, basta’t mailatag lamang ang ilang mga kundisyon upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sinabi ni Año, dapat na kontrolado ang pagbiyahe ng mga ito at matiyak na istrikto nitong pinatutupad ang minimum standard health protocols sa lahat ng pagkakataon.

Dapat rin aniyang ma-monitor ang ruta ng mga biyahe nito lalo na yung mula sa GCQ hanggang MGCQ areas kung saan dapat na maging mas mahigpit ang ipinatutupad na health protocols.

Magugunitang, Miyerkules nang ianunsiyo ni Land Transportation Franchising and Regulatory (LTFRB) Board Chairperson Martin Delgra na posible nang buksan ang ruta ng mga bus mula Metro Manila patungong mga lalawigan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img