Sunday, April 28, 2024

Pagbasura ng petisyong COVID-19 mass testing welcome sa DILG

- Advertisement -

Welcome sa Department of Interior and Local Government (DILG) ang ginawang pagbasura ng Korte Suprema sa petisyong nanawagang magsagawa ang DILG at iba pang mga ahensiya ng gobyerno ng COVID-19 mass testing.

Sa isang pahayag tinawag na ‘breath of fresh air’ ni DILG Usec. Jonathan Malaya ang desisyon ng kataas-taasang hukuman na ibasura na lamang ang naturang petisyon na aniya’y isa lamang propaganda stunt.

Aniya, pinagtibay rin kasi ng desisyon ng Supreme Court ang posisyon ng gobyerno na hindi kailangang magsagawa ng mass testing dahil mayroon ng komprehensibong COVID-19 testing program ang pamahalaan.

Sinabi pa ni Malaya, lubos din silang nagpapasalamat na hindi pinakinggan pa ng SC ang nasabing petisyon, lalo pa’t malinaw naman na hindi aniya ito pinag-isipan man lamang.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -