Baguio: Ceremonial turnover ng bagong hepe ng kapulisan sa Tinoc, Ifugao

0
7
photo courtesy of PRO-COR

Tinoc, Ifugao – Opisyal na umupo na si PCPT Melvin L. Salvador bilang pansamantalang Hepe ng Police ng Tinoc Municipal Police Station (MPS) matapos ang seremonya ng pagpapalit na ginanap sa Municipal Gymnasium sa Tinoc, Ifugao nooong Jueves Mayo a 2 ng taong ito.

Dumalo sa nasabing seremonya sila Tinoc Municipal Mayor Samson C. Benito, at ang ilan sa mga pangunahing opisyal ng Ifugao Police Provincial Office, mga tauhan ng Tinoc Municipal Police Office, mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Tinoc, mga pinuno ng opisina ng LGU doon, mga kinatawan mula sa barangay, ibang katuwang na mga ahensiya, at kasapi ng iba’t ibang ng sector pang relihion.

Bahagi ng seremonya, pinangunahan ni Ifugao Police Provincial Director PCOL Marvin S. Diplat, ang ceremonial turnover ng command symbol, property book, at equipment inventory, na siyang naghudyat ng opisyal na paglilipat ng pamunuan at responsibilidad mula sa papalabas na pansamantalang hepe ng Tinoc Municipal Police Station na si PCPT Ricardo B. Dumangeng, sa paparating ng tumatayong Hepe ng Tinoc Municipal Police station na si PCPT Salvador.

Sa kanyang mensahe, pinapurihan ni PCOL Diplat ang papalabas hepe ng pulisya para sa huwarang kontribusyon nito sa munisipyo ng Tinoc.

Ganon din na, kanyang pinuri at hinamon ang bagong kauupo a bilang talaga na Acting Chief of Police sa pagtanggap ng kanyang bagong trabaho at responsibidad. (Jimmy Bernabe | Joel Cervantes)

(Source: PRO-COR)

Leave a Reply