28.7 C
Manila
Sunday, April 21, 2024

Iriga: Pagsusuot Ng Face Shield Hindi Na Ginagawa Ng Maraming Commuters Sa Camarines Norte

- Advertisement -

Camarines Norte – Hindi na nagsusuot ng face shield ang maraming pasahero sa mga pampublikong sasakyan kahit wala pang pinal na desisyon ukol dito ang Inter Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases at ang Provincial Incident Management Team.

Visit RPN DZKI Iriga

Kanina sa isinagawang Oplan Lambat Bitag Sasakyan ng PNP Highway Patrol Group katuwang ang mga Local Traffic Enforcer sa iba’t- ibang lugar, may mga pampasaherong jeep, tricycle maging pribadong sasakyan ang hindi na nagsusuot ng face shield at naka- face mask na lang ang mga pasahero.

Hindi na inisyuhan ng ticket ang mga ito pero paalala ng mga awtoridad na hindi pa lifted ang mandatory use of face shield kahit hindi na ito ipinapatupad sa ibang lugar.

Pero ang isang multicab kanina, bukod sa mahigpit na pagpapatupad ng social distancing ay nakasuot din ng face shield ang driver at mga pasahero nito.

Una nang sinabi ng Provincial Health Office na hindi nito irerekomenda na ipatigil ang pagamit ng face shield.

Mas mainam pa rin daw kasi na gumamit nito bilang proteksyon sa banta ng hawaan ng COVID- 19.

Nakabatay rin umano sa science ang pag oobliga ng pagamit ng face shield tulad ng iba pang polisiya na ipinapatupad ng IATF at ng IMT.

Batay naman sa pinakahuling advisory ng Provincial IMT simula sa November 16 ay papayagan na ang 70 % seating capacity sa lahat ng Public Utility Vehicles.

Mananatili naman sa dalawa lang na pasahero ang papayagan sa tricyle.

(Source: BNFM Naga | Bicol News and Updates)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -