Iriga: Project Pagtais ng Tiwi, Inaprubahan ng Albay Sanggunian

    0
    5

    Inaprubahan na ng Sangguniang Panlalawigan ng Albay sa ika-54 Regular Session ang Municipal Ordinance No. 13-15-2026 ng Tiwi na nagtatatag sa “Project Pagtais,” isang libreng Civil Service Examination review program para sa mga kwalipikadong residente ng Tiwi.

    Ang nasabing ordinansa ay sinuri ng Committee on Laws, Rules and Oversight na pinamumunuan ni 1st District Board Member Atty. Sheina Marie C. Onrubia-Dela Cruz.

    Sa ilalim ng ordinansa, magkakaroon ng libreng review classes, lectures, mock examinations at review materials para sa mga kwalipikadong bona fide residents ng Tiwi na naghahandang kumuha ng Civil Service Examination.

    Pangungunahan ang pagpapatupad ng Local Youth Development Office (LYDO) katuwang ang Municipal Human Resource Management Office (MHRMO), Public Employment Service Office (PESO) at iba pang kinauukulang tanggapan.

    Aabot sa 60 na kalahok ang maaaring tanggapin sa bawat cycle, na isasagawa dalawang beses kada taon at bubuuin ng anim na magkakasunod na weekend sessions.

    May inilaang paunang taunang pondo na ₱150,000 para sa programa mula sa Local Youth Development Fund (LYDF).

    Ang gastusin para sa mga benepisyaryong lampas sa statutory youth age na 15 hanggang 30 ay dapat manggaling sa iba pang legal na municipal appropriations.

    Mananatili naman sa Civil Service Commission ang pangangasiwa sa Civil Service Examination at pagtukoy sa opisyal na pagiging kwalipikado at kwalipikasyon.

    Sa pagpapatupad ng Project Pagtais, magkakaroon ang mga kwalipikadong residente ng Tiwi ng libreng review support na makatutulong sa kanilang paghahanda para sa Civil Service Examination.

    Source: Albay PIO

    Leave a Reply