Thursday, June 20, 2024

Iriga: Mahigit 1K labor disputes, natugunan ng DOLE-Bicol bago nagtapos ang taong 2021

- Advertisement -

Masayang ibinalita ng Department of Labor and Employment o DOLE-Bicol na umabot sa kabuuang 1,140 mula sa 1,254 na mga ‘labor disputes” ang kanilang natugunan nitong nakaraang taon.

Visit RPN DZKI Iriga

Ayon sa naturang ahensya, nabigyang tugon nila ang ‘labor disputes’ ng mga manggagawa sa rehiyon sa pamamagitan ng programang SEnA o ang ‘Single Entry Approach’ na isang alternative dispute resolution mechanism ng DOLE.

Dahil dito, bago natapos ang taong 2021 ay naibigay sa 2,223 mga manggagawa ang kanilang settlement benefits na may kabuuang halagang aabot sa mahigit P48-million.

Kaugnay nito, inihayag ni DOLE Bicol Regional Director Ma. Zenaida Angara-Campita, na ang pagkaka resolba sa mga inihaing reklamo sa kanilang tanggapan ay patunay aniyang hindi hadlang ang COVID-19 pandemic upang hindi makapagbigay ng nararapat na aksyon ang ahensya at maibigay sa mga manggagawang Bicolano ang mga benepisyong nararapat sa mga ito.

(Source: Bicol News)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -