33.5 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Iriga: Limitadong pagpapapasok sa mga simbahan sa Naga city tuwing araw ng linggo mahigpit ding ipinatutupad sa ilalim ng alert level 3

- Advertisement -

Iriga City – Magkatuwang ang simbahan at ang mga barangay opisyal sa Naga City sa pagpapatupad ng mga kautusang nakapalaman sa Alert Level 3 Classification.

Visit RPN DZKI Iriga

Tulad ng dapat na asahan, limitado lamang ang bilang ng mga nakakapasok sa simbahan lalo na tuwing araw ng Linggo na halos siksikan noon ang mga parishioners.

Kaugnay nito, sa Basilica Minore, na nasa Barangay Balatas na siyang permanenteng kinalalagayan ng imahe ni Inang Nuestra Sra. De Peñafrancia, ganito ang sistema.

Sa gate pa lang patungo sa simbahan ay may nagsisita na nag aabiso kung puwedeng makapasok o hindi na.

Batay ito sa naging pahayag sa  ni Balatas Punong Barangay Pedro Allan San Juan, kaugnay sa pagpatupad nila ng mga patakaran sa ilalim ng alert level 3.

Ayun kay San Juan, kailangan na gawin ang paghihigpit para di na dumami pa o kumalat pa ang virus sa lungsod.

Ang Barangay Balatas ay may 56 na bagong kaso ng Corona Virus Disease.

(Source: Bicol News & Updates)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -