29.8 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Iriga: Average Number ng Covid- 19 Cases sa Bicol Region patuloy ang pagbaba ngayong Disyembre

- Advertisement -

Iriga City – Patuloy ang pagbaba ng average number of Covid 19 cases sa Bicol Region ngayong buwan ng Disyembre.

Visit RPN DZKI Iriga

Sa datus na ibinahagi ng Department of Health (DOH) Bicol, lumabas na kumpara sa 529 average number of COVID 19 cases per day na naitala noong buwan ng Setyembre ay umaabot na lamang ng 17 ang average Covid 19 cases ngayong buwan.

Matatandaan umano na naiulat din noong buwan ng Setyembre ang pinakamataas na bilang ng aktibong kaso ng sakit kung saan 650 ang naiulat na nag positibo sa loob lamang ng isang araw.

Dumami ang bilang dahil na rin sa naging banta ng Delta Variant kaya’t lubhang naging mabilis ang transmission ng sakit, na dahilan naman kung bakit naiulat ang aabot sa 12,869 COVID-19 cases na nairekord sa kabuoang buwan lamang ng Setyembre.

Kung mapapansin, patuloy ng pag-dalang ng mga naitatalang karagdagang kaso ng mga nahahawaan ng virus ngayong buwan kung saan sa presente ay mayroon na lamang na 534 na mga aktibong kaso na naitala ngayong Disyembre 19.

Samantala, sa kabila nito patuloy pa rin ang paalala ng ahensya sa publiko na huwag magpakakampante at manatiling protektado kontra virus, sa pamamagitan ng pagsunod sa mga umiiral na minimum public health standards.

(Source: DOH Bicol | Bicol News)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -