Thursday, May 9, 2024

Ilang transport groups nanindigan hindi ibabalik sa P8 ang pasahe sa jeep

- Advertisement -

Nanindigan ang ilang transport groups na hindi ibabalik sa P8 ang minimum na pasahe sa jeep sa Metro Manila, Central Luzon at Calabazon.

Sa kabila ito ng serye ng roll back sa presyo ng gasolina.

Ayon kay Zenaida Maranan, pangulo ng Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP), hindi naman nila nararamdaman ang sunud-sunod na tapyas sa presyo ng oil products lalo nat hindi naman pare pareho ang presyo ng mga gasolinahan.

Sinabi naman ni ACTO Chairman Efren De Luna na malabong mapababa ang singil sa pasahe sa jeep dahil walang katiyakan kung hanggang kailan magmumura ang presyo ng langis sa world market.

Kaugnay nito, tiniyak ni Pasang Masda President Obet Martin na isusulong nila ang P2 bawas sa minimum fare kapag tuluyan nang naglaro sa P37 hanggang P39 ang presyo ng oil products.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img