Mislatel pangangalanan ang impormasyon ng kanilang mga magiging subscriber

0
52

Pangangalagaan ng Mindanao Islamic Telephone (Mislatel) Company ang privacy at mga impormasyon ng kanilang magiging subscriber.

Tiniyak ito ng telecom firm matapos pawiin ang pangamba ng publiko kaugnay sa posibilidad na ma kumpromiso ang mga impormasyon ng mga subscriber lalo’t may mga ka partner silang foreign telecom.

Ayon kay Atty. John Coluso, abogado ng Mislatel, priority nilang pangalagaan ang lahat ng mga impormasyon ng kanilang subscribers kasama na ang national interest.

Sapat aniya ang mga mekanismong inilatag ng government regulators para sa privacy ng bawat Pilipino.

Binigyang diin ng Mislatel na pumasa sa pagsusuri ng National Telecommunications Commission (NTC), Department of Information and Communications Technology (DICT) at ng security committee ng Malakanyang ang paraan nila para maitago ang mga sensitibong impormasyon.

Ang Mislatel na nanalong third telco player ay binubuo ng Udenna Corporation at Chelsea Logistics Holdings Corporation at China Telecom Corporation.