Friday, May 17, 2024

Ilang mambabatas nakulangan sa inilatag na plano ni Duterte kaugnay sa COVID-19 response

- Advertisement -

Nakulangan ang ilang mambabatas sa inilatag na plano ni Pangulong Rodrigo Duterte para matugunan ang coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Senate President Pro Tempore Ralph Recto, nakakadismaya na hindi man lang idinitalye ni Pangulong Duterte sa kaniyang State of the Nation Address (SONA) kung paano sosolusyunan ng pangulo ang laban ng Pilipinas kontra COVID-19.

Sa halip aniya ay tila nahati sa napakaraming aspeto ang SONA ng pangulo.

Sinabi ni Recto, umaasa kasi ang publiko na sesentro ang SONA ng pangulo sa pagpapalakas ng loob, pagpapatatag na malalampasan din ng Pilipinas ang itinuturing na pinakamatinding health crisis sa Pilipinas.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Senador Francis Pangilinan na dapat konkretong plano laban sa pagkalat ng COVID-19 ang inilatag ng pangulo sa kanyang SONA, imbis na pag-atake kay Senate Minority Leader Franklin Drilon.

Samantala, dismayado rin naman si Senadora Risa Hontiveros sa kanyang mga narinig sa SONA ng pangulo.

Ayon sa senadora, imbis anya na maglatag ang pangulo ng komprehensibong plano laban sa COVID-19 ay ginamit nito ang kanyang SONA para buweltahan ang kaniyang mga kritiko at ang media ng dahil lamang sa personal na isyu ng pangulo.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -