Friday, May 3, 2024

Duterte nakiki-usap kay Xi na iprayoridad ang Pilipinas oras na makabuo ng COVID-19 vaccine

- Advertisement -

Nakiki-usap si Pangulong Rodrigo Duterte kay Chinese President Xi Jin Ping na iprayoridad ang Pilipinas sa oras na makabuo na ang China ng epektibong bakuna kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa ika-limang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte kahapon, sinabi ng pangulo na apat na araw lamang ang nakararaan nang umapela siya kay President Xi na unahin ang Pilipinas sa oras na makabuo na sila ng COVID-19 vaccine.

Kaugnay nito, tiniyak ng pangulo na walang magaganap na face-to-face classes hangga’t walang bakuna kontra COVID-19.

Anya, posibleng payagan na ang face-to-face classes pagsapit ng Enero ng 2021 dahil inaasahan nilang magkaroon ng bakuna kontra COVID-19 sa buwan ng Setyembre.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img