Hirit na magpalabas ng gag order ang SC sinuportahan ng Malakanyang

Hirit na magpalabas ng gag order ang SC sinuportahan ng Malakanyang

by Powered by DWIZ
37 views

Sinuportahan ng Malakanyang ang hirit ni Solicitor General Jose Calida na magpalabas ng gag order ang Korte Suprema kaugnay sa quo warranto petition na inihain laban sa prangkisa ng ABS–CBN.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, nagiging emosyonal na kasi ang isyu at marami nang nasabi ang magkabilang panig.

Sakaling mapagbigyan ang gag order, hindi na aniya maaring magsalita ang ABS – CBN mga artista nito, si Calida o ang Department of Justice (DOJ) at iba pang sangkot sa quo warranto petition.

Naniniwala si Panelo na kaya humirit si Calida ng gag order ay dahil tungkulin niya ito at hindi dahil sa bumwelta ng mga kritiko.

0 comment

Related Posts