Banta ni Duterte na ipapasara ang ABS-CBN hindi dapat seryosohin — Panelo

Banta ni Duterte na ipapasara ang ABS-CBN hindi dapat seryosohin — Panelo

by Powered by DWIZ
60 views

Hindi dapat seryosohin.

Ito ang naging pahayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo kaugnay sa mga banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipasasara ang ABS – CBN corporation.

Siniguro ni Panelo na hindi gagamitin ng Pangulo ang kanyang kapangyarihan para kumilos laban sa naturang network.

Alam aniya ng Pangulo na tanging ang kongreso ang siyang may kapangyarihan pagdating na magdesisyon sa franchise renewal ng ABS-CBN na nakatakdang mag-expire sa Marso.

0 comment

Related Posts