Friday, May 17, 2024

Hindi na pagpapadala ng mga domestic helpers sa ilang mga bansa pinagaaralan —labor dep’t

- Advertisement -

Pinag-aaralan ng Department of Labor na huwag nang magpadala ng mga domestic helpers sa ilang mga bansa.

Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello na posibleng piliin na lamang nila ang mga bansa kung saan puwedeng magpadala ng OFW.

Sa harap na rin ito ng di umano’y pagpatay sa Filipina domestic helper na si Jeanelyn Villavende ng kanyang employer sa Kuwait.

‘Yun ang isa naming pinagpapaplanuhan, na pipiliin na lang namin ‘yung mga bansang pagde-deployan ng mga OFW natin,” ani Bello.

Tiniyak ni Bello ang masusing monitoring sa kaso ni Villavende upang mabigyan ng hustisya ang kanyang pagkamatay.

Sinabi ni Bello na muli silang magpapatupad ng deployment ban sa Kuwait sakaling wala silang makitang magandang development sa kaso.

Matatandaan na nagpatupad na ng deployment ban sa Kuwait ang Pilipinas matapos na matagpuang patay sa isang freezer ang OFW na si Joanna Demafelis. — sa panayam ng Ratsada Balita

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -