Thursday, May 9, 2024

30th SEA Games nakatulong sa pagpapanatili ng magandang ratings ni Duterte —analyst

- Advertisement -

Napanatili ni Pangulong Rodrigo Duterte ang magandang ratings nito sa nakalipas na taong 2019.

Ayon ito kay political analyst Professor Ramon Casiple na nagsabi ring nakatulong sa magandang ratings ng pangulo ang katatapos lamang na 30th SouthEast Asian (SEA) Games na naging maayos ang proseso at pinapurihan ng marami.

Inihayag ni Casiple na malaki ang tsansang mapanatili ng pangulo ang mataas na trust at approval ratings nito ngayong 2020 lalo pa’t maganda rin ang pananaw ng taumbayan sa kanilang hinaharap ngayong taon base sa resulta ng mga survey.

Naniniwala si Casiple na hindi makakaapekto sa popularity ng pangulo ang napipintong hindi pagre-renew ng prangkisa ng giant network dahil ang renewal naman ng prangkisa ay nasa kamay ng kongreso.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img