Tuesday, May 14, 2024

Hindi na kailangan pang putulin ng Pilipinas ang diplomatic ties nito sa Iceland — Roque

- Advertisement -

Hindi na kailangan pang putulin ng Pilipinas ang diplomatic ties nito sa Iceland.

Ito ang inihayag ni dating presidential spokesman Atty. Harry Roque, matapos ibabala ni Pangulong Rodrigo Duterte na puputulin nito ang ugnayan sa naturang bansa kaugnay ng inilabas na resolusyon kung saan iimbestigahan ng U.N Human Rights Council ang anti-drug war campaign ng administrasyon.

Ayon kay Roque, kung tuluyan nang puputulin ng Pilipinas ang ugnayan nito sa Iceland ay nangangahulugan lamang ito na binibigyan ng pamahalaan ng atensyon ang naturang U.N resolution.

Anya, dapat manindigan ang pamahalaan na huwag nang bigyang pansin at ipag-kibit balikat na lamang ang naturang hakbang ng Iceland.

Una rito, sinabi naman ni Pangulong Duterte na pinag-aaralan pa rin niya ang bantang pag-putol ng ugnayan sa Iceland dahil ayaw niyang madamay ang mga OFW o Overseas Filipino Workers sa Iceland.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -