Monday, April 29, 2024

Grupong Bayan tiniyak na magiging mapayapa ang ikakasa nilang kilos protesta

- Advertisement -

Tiniyak ng Grupong Bayan na magiging mapayapa ang ikakasa nilang kilos protesta sa ika apat na SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte, ngayong araw.

Ayon kay Bayan Muna Sec. Gen. Renato Reyes, hindi sila manggugulo at wala rin silang planong makalapit pa sa Batasang Pambansa.

Anya, napili nilang idaos na lamang ang kanilang mga programa sa IBP Road dahil kakailanganin nila ng malaking espasyo.

Samantala, aminado rin naman si Reyes na hindi na sila umaasa na mauulit pa ang ginawang pag-harap ni Pangulong Duterte sa mga raliyista kagaya ng ginawa nitong pagharap sa militanteng grupo noong SONA ng taong 2017.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -