Friday, May 3, 2024

Cong. Alan Peter Cayetano tiniyak ang malaya at matatag na Kamara sa pagbubukas ng 18th Congress

- Advertisement -

Tiniyak ni Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano na mananatiling malaya at matatag ang Kamara sa pagbubukas ng 18th Congress, ngayong araw.

Ito ay sa kabila ng balitang may mga kongresista ang nagbabalak na mag-kudeta sa mismong araw ng paghalal ng susunod na speaker.

Kasabay nito, nanindigan rin naman si Cayetano na makikipag tulungan ang Kongreso sa iba’t-ibang sangay ng gobyerno.

Samantala, pinawi rin naman ni Cayetano ang mga ulat na may nangyayaring diktahan at takutan sa hanay ng mga kongresista para sa House speakership bid.

Matatandaang, ini-endoroso ni Pangulong Rodrigo Duterte si Cayetano upang maging House speaker ng 18th Congress kung saan makakahati nito sa naturang puwesto si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco sa pamamagitan ng term sharing scheme.

Ngayong araw nakatakdang bumoto ang mga kongresista para ihalal ang susunod na House speaker.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img