Thursday, May 9, 2024

Hatol sa Maguindanao Massacre case ibababa na ngayong araw

- Advertisement -

Sampung taon matapos ang karumal-dumal na Maguindanao Massacre, ibababa na ang hatol sa mga akusado ng krimen ngayong araw.

Nobyembre 23 ng taong 2009 nang harangin ng armadong kalalakihan ang convoy ng mga tiga-suporta ni Cong. Toto Mangudadatu sa Maguindanao.

Walang awang pinagbabaril at inilibing ang 58 katao kung saan 32 sa mga ito ang miyembro ng media habang kabilang din sa mga nasawi ang asawa, kapatid at ilang mga taga-suporta ni Cong. Mangudadatu.

Aabot sa 197 ang mga akusado sa krimen na kinabibilangan ng ilang miyembro ng pamilya Ampatuan na siyang itinuturong utak sa karumal-dumal na krimen.

Kabilang sa mga pangunahing akusado ang magkapatid na sina dating datu unsay mayor Andal Ampatuan Jr, dating ARMM governor Zaldy Ampatuan at ang kanilang ama na si Andal Ampatuan Sr. na pumanaw na noong pang 2015.

Sa halos 200 akusado, nasa 101 na lamang ang hahatulan ngayong araw dahil pumanaw na ang iba sa mga ito.

Una rito, sinabi ng Malacañang na umaasa sila na makakamit na ang hustisya sa pagbaba ni SQ.C. RTC Judge Jocelyn Solis Reyes ng desisyon laban sa mga akusado.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img