Mga senador na bumabatikos sa Grab nadagdagan pa dahil sa sobrang singil sa pamasahe

0
11

Mas nadagdagan pa ang mga senador na bumabatikos sa ride hailing app na Grab dahil sa sobra-sobrang paniningil nito ng pamasahe sa kanilang mga pasahero.

Ayon kay Senator Imee Marcos, malinaw na pang aabuso ang ginagawang doble singil ng Grab lalo na ngayong kapaskuhan.

Aniya, una nang nangako ang Grab sa pamahalaan na hanggang 22 porsyento lamang ang kanilang ipapataw na taas singil sa pasahe ngayong kapaskuhan.

Bagamat nabatid na umaabot na kaagad ng 200 piso ang singil nito kahit na isang kilometro palang ang naitatakbo nito na dapat ay 100 piso lamang.

Matatandaang, pinuna rin ni Senator Sherwin Gatchalian ang ride hailing app dahil sa pamataas na pasahe at pag atas dito na maglabas ng kanilang fare matrix upang maging batayan ng mga mananakay.