Friday, May 3, 2024

Halos 1-M pisong halaga ng marijuana nasamsam sa QC

- Advertisement -

Aabot sa isang milyong pisong halaga ng marijuana ang nasamsam ng PDEA o Phil. Drug Enforcement Agency sa ikinasang follow up operation sa Quezon City.

Nasabat ng mga otoridad ang sampung kilo ng marijiuana sa isang garahe ng pampasaherong bus sa E. Rodriguez.

Ayon sa PDEA, nakipag-ugnayan sa kanila ang naturang bus company upang ipagbigay alam ang nakitang kahina-hinalang bag.

Matatandaang, noong Hulyo 21 lamang ng pitong kabataan na may edad 19 anyos pataas ang nahuli sa Ifugao makaraang makuhaan ng tig-iisang bag ng marijuana.

Anim na bag lang ang nakuha sa operasyon gayong pitong bag ang impormasyong natanggap nila.

Paniniwala ng PDEA, ang nakuhang bag ng marijuana sa Quezon City ay ang nawawalang bag ng marijuana na kanilang hinahanap.

Sa ngayon, ipinanawagan naman ng PDEA sa mga establisyimento na paigtingin ang pakikipag-ignayan sa mga otoridad dahil malaking tulong ito sa pagsugpo ng krimen.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img